Lacson-Sotto ikakasa ayuda sa mga marino

 
Lacson-Sotto ikakasa ayuda sa mga marino

Tiniyak ng tambalang Lacson-Sotto na magbibigay ng tulong sa mga Pilipinong marino at sa shipping industry sa bansa para masiguro na ligtas at hindi luma ang mga barko na ginagamit nila.

Ayon kay Lacson na tumatakbong presidential bet ng Partido Reporma, nais niyang magkaroon ng streamlining ng mga tungkulin ng ahensya na nakatuon sa maritime affairs para matulungan ang industriya.

“I think it’s ironic… While we enjoy the headway in terms of seafaring, ang ating facilities like ships, may edad na. I think we should work along the line of offering some financial package or assistance to our shipping industry,” pahayag ni Lacson sa isang virtual forum kasama ang mga kawani ng shipping industry noong Huwebes.

Ito’y para masiguro aniya na hindi masasayang ang talento ng mga marinong Pinoy na kilala na isa sa magagaling sa buong mundo at humahawak kadalasan ng mga teknikal at managerial post.

Ibinahagi pa ni Lacson na bagama’t walong taon ang edad ng mga pangkaraniwang barko ng mga kalapit nating bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang average age ng mga barko dito sa Pilipinas ay 25 taon.

Samantala, sinabi naman ni Lacson na kailangan pang pag-aralan ang mga panukala na gumawa ng bagong departamento na mangangasiwa sa maritime inudistry.

Sinabi naman ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III, na katandem ni Lacson at tumatakbo sa pagka-bise president sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition, na kailangan nang bawasan ang burukrasya sa halip na palakihin pa ito. (Dindo Matining)




Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya