Lacson sa Kanyang Senatorial Bets: Patuloy na Bantayan ang Kaban ng Bayan
Lacson sa Kanyang Senatorial Bets: Patuloy na Bantayan ang Kaban ng Bayan GENERAL TRIAS CITY, Cavite - Ituloy ang pagbabantay. Ito ang mensahe ni Senador Ping Lacson sa kanyang mga senatorial bets - ang maging masigasig at mapanuring bantay ng kaban ng bayan kung saan nakilala si Lacson sa kanyang matagal na panunungkulan bilang senador. Ayon kay Lacson, sa panahon ngayon pinakaimportante na masiguro na nagagamit nang tama ang kaban ng bayan lalo na't nasa kalagitnaan pa rin tayo ng pandemya na nakakaapekto sa ating ekonomiya at lumolobong utang ng bansa na aabot na sa P13.42 trillion sa Hunyo 2022. "I hope you carry the torch. Ang ating national budget, kaban ng bayan ito, lifeblood ng ating economy, lifeblood ng ating bansa, lifeblood ng bawa't isa sa atin. Pag pinabayaan natin, hindi lang tayo - ang anak natin at maging apo natin, yan ang tatamaan. Ngayon pa lang dapat magising tayo sa katotohanan ang national budget na galing sa buwis," mensahe ni Lacson sa kany...