Ping proud na dating padyak driver

 

Ping proud na dating padyak driver

Bilang presidential aspirant, ramdam ni Senador Ping Lacson ang hirap ng pamamasada.

Sa gitna ng kanyang talakayan sa mga tsuper, naalala ni Lacson ang buhay niya noong siya ay binata pa, kung sana siya ay naging pedicab driver.

Kwento ni Lacson, pinasok niya ang pagpapadyak noong siya ay 15 o 16 anyos.

Ginawa niya umano ito bilang tulong sa kanyang ama na kulang-kulang ang sahod na inuuwi dahil kinokotongan.

Saad pa ng senador, grabe ang hingal niya sa pagpapadyak dahil patpatin siya at may hika.

Bukod sa pagiging padyak driver, pinasok din ni Lacson ang pagta-tricycle.

Ikinuwento ni Lacson ang mga karanasan bilang patunay na kaya niyang maki-simpatya sa pinagdaraanan ng mga ordinaryong Pilipino sakaling siya ay magwagi bilang pangulo sa 2022.




Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya