'Entrapment' At Matinding Pagdidisplina Para Sa Mga Korap, Asahan Sa Ilalim Ng Lideratong Lacson-Sotto
'Entrapment' at Matinding Pagdidisplina Para sa Mga Korap, Asahan sa Ilalim ng Lideratong Lacson-Sotto Oktubre 12, 2021 - Kakaibang uri ng pagdidisiplina sa mga korap na miyembro ng Gabinete ang mararanasan sa ilalim ng pamumuno ni Senador Ping Lacson at Senate President Tito Sotto sakaling manalo sila sa pagka-Presidente at pagka-Bise Presidente sa darating na halalan. "If we become President and Vice President of this country, Filipinos may yet witness the spectacle of a Cabinet member turned rogue being arrested for extortion. This is the kind of discipline that the Lacson-Sotto leadership intends to instill in government officials," ani Lacson sa kanyang Twitter post nitong Martes. "It’s about time na ang example ay manggaling sa kataas-taasan. Hindi pwedeng ang sinisibak lamang ay yung maliit at hindi sumusunod kasi nakikita sa taas namamayagpag," dagdag pa ng senador sa kanyang panayam sa Radyo 5. Si Lacson, na nakilalang galit sa korapsyon bilan...