Ping, Sinisi ang 'Sports Politics' sa Pagkakatanggal kay Obiena sa World Indoor Championships
Ping, Sinisi ang 'Sports Politics' sa Pagkakatanggal kay Obiena sa World Indoor Championships Marso 13, 2022 - Isang nawalang oportunidad dahil sa "sports politics." Ito ang pagsasalarawan ni Senador Ping Lacson sa pagkakatanggal sa international pole vaulter na si Ernest John "EJ" Obiena mula sa World Indoor Championships. "EJ Obiena: a case of missed opportunity because of sports politics. Sayang," ani Lacson sa kanyang Twitter post nitong Linggo . Nagmula ang insidente na ito sa hindi pag endorso sa kanya ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), na kanyang nakaalitan kamakailan. "Unacceptable! We just threw away a golden opportunity to showcase our world-class talent - all because we cannot get our acts together," giit ni Lacson. "I am sure we Filipinos can accept losing in a fair competition. What we cannot accept is being denied the opportunity to compete in the first place," dagdag ng senador. Inih...