Posts

Showing posts from May 7, 2022

Ping, Humiling ng Isang Mapayapang Rebolusyon sa Mayo 9

Image
  Ping, Humiling ng Isang Mapayapang Rebolusyon sa Mayo 9 Mayo 7, 2022 ( CARMONA, Cavite) -  Sa kanilang ginanap na miting de avance Biyernes ng gabi, hinikayat ni independent presidential aspirant Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang sambayanan na maglunsad sa Mayo 9 ng isang mapayapang rebolusyon sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang karapatan na bumoto ng karapat-dapat na lider ng bansa. Ito ang panawagan ni Lacson at ng kanyang ka-tandem na si Senate President Tito Sotto sa harap ng mahigit sa 50,000 supporters na dumalo sa Verdant Square. "Nananawagan ako sa inyo. Inaanyayahan ko kayo na maglunsad tayo ng isang rebolusyon. Hindi po rebolusyon na tulad ng pinaglaban ng ating mga ninuno ng ating mga bayani. Ito po ay isang tahimik na rebolusyon kung saan ang ating gamit ay ang ating mga panulat upang i-shade sa balota ang mga pangalan ng mga dapat at karapat-dapat na mamuno sa ating bansa," ani Lacson. Muling binigyang diin ng presidential bet na hindi na natin kaya p...

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya

Image
  Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya Mayo 7, 2022 -  Sa pagtatapos ng kampanya at halalan sa Mayo 9, umaasa si independent presidential candidate Senador Ping Lacson na ito na rin ang magiging katapusan ng pagkakawatak-watak at girian na nanaig sa nakararaming botanteng Pilipino noong nakaraang 90 araw. Sa kanyang Twitter post nitong Sabado ng umaga, ipinahayag ni Lacson ang pag-asa niya na maging isang bansa at nagkakaisang sambayanan muli ang mamamayang Pilipino. "Dear God. Thank You for keeping us ALL safe from illness and injury as we finish the race to submit ourselves to the will of the people. May the bitterness and animosity be buried with the memories of the most grueling 90 days of our lives and be one nation, one people again,"  ani Lacson . Sa nakaraang 90 araw, sinuyod ng Lacson-Sotto tandem kasama ang kanilang senatorial bets ang mga probinsya sa buong bansa kabilang na ang mga malalayong parte ng bansa kung...