Ping: ‘In’ ang socmed pero matalinong solusyon sa problema ang kailangan sa kampanya
Ping: ‘In’ ang socmed pero matalinong solusyon sa problema ang kailangan sa kampanya Hinikayat ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mga Pilipino na huwag basta pasilaw sa mga nakikitang impormasyon, pambobola at pa-aliw sa social media, dahil ang mga tunay na problema ng bansa ay nangangailangan ng matibay na solusyong hindi madadaan sa mabilisang paraan. Ibinahagi ni Lacson ang pananaw na ito sa kanyang pag-upo sa hot seat ng ‘The Chiefs’ sa ONE News PH, Lunes ng gabi. Inamin niya ang mga hamon na kinakaharap ng kanyang campaign team pagdating sa pagpapaabot ng kanilang adbokasiya sa social media na dinodomina na ng ibang kandidato sa pagkapangulo. “‘Nung kinausap ako nung aking—especially ‘nung aking communications team, ano—sinabi nilang kailangan sumama tayo doon, makisama tayo kasi ‘yon talaga ‘yung trend, ‘yon ang takbo ng kampanya e,” tugon ni Lacson sa tanong kung ano ang mga plano ng kanyang team para mapataas pa ang kanyang kandidatur...