Higit 60K dumalo sa ‘Pure Love’ rally ng ‘KakamPing’ sa QCMC
Higit 60K dumalo sa ‘Pure Love’ rally ng ‘KakamPing’ sa QCMC MANILA, Philippines — Tinatayang umabot sa mahigit 60,000 mga Pilipino na nagnanais ng bagong liderato ang dumagsa sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) noong Sabado (Abril 9) para ipakita ang kanilang pagsuporta sa kandidatura nina presidential bet Panfilo ‘Ping’ Lacson at running mate na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III. Tinaguriang ‘Pure Love’ ang nasabing rally na dinaluhan ng ilang mga sikat na performer at celebrity guests mula hapon hanggang gabi. Inorganisa ang aktibidad ng mga miyembro ng Lacson-Sotto Support Group (LSSG) mula sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya sa Luzon. Itinaon ang naging pagtitipon sa paggunita ng ‘Araw ng Kagitingan’ kung saan lumagda ng isang manifesto ang tambalang Lacson-Sotto para isulong ang tapat na pamahalaan at protektahan ang tiwalang ibibigay sa kanila ng taumbayan sakaling mahalal bilang susunod na pangulo at pangalawang pangulo ng bansa. “Sisiguraduhin naming...