Paano tayo makakatulong sa online Presidential Campaign ni Sen. Ping Lacson? 1) Mag-react sa mga content ng FB pages na kinukumpulan ng mga trolls gaya ng ABSCBN, Inquirer, Rappler, atbp Sa pag-react sa mga like o dislike na mga posts, tingnan ang reaction icon na may pinakamaraming bilang. Kung ito ay heart, ‘yun din ang i-click, huwag ang thumbs up. Kung mayroon pang ibang laughing reactions at mayroon ding angry face, i-click ang laughing reactions. Makakatulong ito sa pagcompute ng FB algorithm. Halimbawa lang na ang isang pro-Ping na post ay mayroong mataas na heart reactions, mas mataas din ang tsansa na ang lumutang na “most relevant posts” comments ay ang mga pabor sa atin. Sa kabilang dako, sa post na pabor sa katunggali ni Ping, unang makikita ng mga taong hindi kasama sa network natin ay ang mga posts na pabor sa kanila. 2) Sa pag-reply o pagkontra sa post sa isang Public page, sa pagclick ng reply, automatic na nata-tag ang pangalan ng account user na iyo...