Posts

Showing posts from April 14, 2022

Mga Taga-Suporta ng Lacson-Sotto Tandem, Nag-Organisa ng Relief Ops sa Iloilo

Image
  Mga Taga-Suporta ng Lacson-Sotto Tandem, Nag-Organisa ng Relief Ops sa Iloilo Abril 13, 2022 -  Hindi man nakabisita ang tandem ni independent presidential aspirant Sen. Ping Lacson at vice presidential bet niyang si Senate President Tito Sotto sa Iloilo bunsod ng masamang panahon, siniguro naman ng kanilang mga taga-suporta na ramdam ang kanilang presensya sa lugar upang magbigay ng tulong. Sama-sama silang nag-organisa ng relief operations sa Iloilo City at Estancia na isa sa mga bayan sa Iloilo na lubhang naapektuhan ng pagbaha dulot ng Tropical Cyclone Agaton. Nakatakda sanang bumisita ang Lacson-Sotto tandem sa Estancia nitong Miyerkules ngunit ipinagpaliban muna nila ito dahil sa masamang panahon. "It is very heartening to know that our volunteers decided to share what they have for their fellow Filipinos - all without fanfare. We cannot thank them enough for taking the initiative to 'convert' a sortie into a meaningful humanitarian cause like what they are doing n