Ping: 'Fat-Free' Na Badyet, Mahalaga sa Pagbangon Mula sa Pandemya Pebrero 25, 2022 - Mahalagang tiyaking "fat-free" ang mga susunod na pambansang badyet para makabangon ang bansa mula sa epekto ng pandemya. Dahil dito, ipinahayag ni Senador Ping Lacson ang kanyang suporta sa fiscal consolidation plan ng National Economic and Development Authority para sa susunod na administrasyon. "Thank you, NEDA. This is what I’ve always been saying during budget deliberations. With a yearly average of P328B UNUSED appropriations for the past 10 years (2010-2020) and P700B in MISUSED/ABUSED budget each year, there couldn’t be a better advice," ani Lacson, na tumatakbo sa pagka-Presidente sa ilalim ng Partido Reporma, sa kanyang Twitter account nitong Biyernes. Pinatungkulan ni Lacson ang halos P328 bilyon sa badyet na hindi nagamit kada taon mula 2010 hanggang 2020 dahil sa kakulangan ng tamang pagpaplano - at P700 bilyon na nasayang kada taon dahil sa korapsyon, base...