Ping: Pwede Namang Mamuhay nang Normal Pero Listo pa Rin sa COVID Pebrero 1, 2022 - Sa pagkabugbog ng ating ekonomiya at sektor ng kalusugan dahil sa epekto ng dalawang taon nang pandemya, sinabi ni Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo "Ping" Lacson na napapanahon na para baguhin ang mindset ng mga Pilipino patungo sa pamumuhay habang nananatili ang banta ng COVID-19. Nauunawaan ni Lacson na mahalaga pa rin ang kaligtasan at kalusugan ng bawat Pilipino ngunit kinakailangan na umanong tanggapin ang buhay na mayroong umiiral na COVID-19 upang magkaroon ng kaukulang pag-iingat laban sa virus habang pinasisigla ang ekonomiya. "It’s about time. Talagang matindi ang inabot ng ekonomiya natin for the past two years," sabi ni Lacson sa panayam ng DWIZ nitong Martes, hinggil sa mungkahi ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na alisin ang alert level system. Sinabi rin ng presidential candidate na dapat nang bumuo ng pangmatagalang plano ang ...