Partido Reporma Chairman Ping Lacson, may paglilinaw sa kaniyang tweet hinggil sa unang laboratoryo kung saan siya nagpa-swab test
Partido Reporma Chairman Ping Lacson, may paglilinaw sa kaniyang tweet hinggil sa unang laboratoryo kung saan siya nagpa-swab test Nilinaw ni Partido Reporma Chairman at standard bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang kaniyang nakaraang tweet patungkol sa unang laboratoryo kung saan siya nagpa-swab test para malaman kung siya ay positibo o negatibo sa COVID-19 na umani ng batikos mula sa ilang mga netizen. Ayon sa ilang netizen, nagpapa-importante ang senador gayong tumaas ang demand para sa serbisyo ng mga testing center. Iginiit ni Lacson na ang kaniyang reklamo ay ang hindi pagsunod ng naturang laboratoryo na makukuha ang resulta sa loob lamang ng 12 oras gaya ng kanilang ipinangako. Matatandaan, nag-tweet si Lacson nitong Enero 6, kung saan sinabi nito na nadismaya siya dahil umabot ng mahigit 40 oras ang kanilang paghihintay sa resulta ng kanilang swab test. Aniya, nagdulot ito sa kaniya ng pangamba dahil may comorbidity ang kaniyang asawa at yung mga staff niya na mas mainam...