Ping kay Duque: Lansagin ang Sindikato sa Overpriced Ambulance
Ping kay Duque: Lansagin ang Sindikato sa Overpriced Ambulance Setyembre 24, 2021 Setyembre 24, 2021 - P arang bulang naglaho buhat sa kaban ng pamahalaan ang P841 milyon bunga ng sagana sa tongpats na mga ambulansiyang binili ng Department of Health (DOH) na overpriced ng P1 milyon bawa't isa. Ito ang binanggit ni Senador Lacson nitong Biyernes sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa mga katiwaliang may kaugnayan sa pagtugon ng pamahalaan sa COVID-19 pandemic. Ayon kay Lacson, ang nabanggit na overpricing ay maaring kagagawan ng sindikato na matagal nang namamahay sa DOH kaya sinabihan ng mambabatas si Secretary Francisco Duque III na lansagin na ito. Posibleng may kinalaman din ang grupong tinutukoy ng mambabatas sa overstocking ng mga expired na at malapit nang mag-expire na mga mga gamot na nagkahalaga ng P2.736 bilyon kabilang na ang nagkakahalaga ng P2.2 bilyon na naitala sa taong 2019 lamang. "Entrenched ang sindikato kasi nariyan ang overpricing. Yan gusto namin ma...