Ping: Lalabanan Natin Ang Anumang Hakbang para Hadlangan ang Demokrasya
Ping: Lalabanan Natin Ang Anumang Hakbang para Hadlangan ang Demokrasya Abril 17, 2022 - Nanindigan si independent presidential candidate Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson nitong Linggo na patuloy niyang lalabanan ang anumang hakbang para hadlangan ang karapatan ng mga botante na bumoto sa ilalim ng demokrasya. Ayon kay Lacson, hindi siya nag-iisa sa karanasan kung saan kinukumbinsi siya at ibang kandidato sa pagka-Presidente na umatras kapalit ng pera at iba pang konsiderasyon. "Sinu-subvert na natin ang will ng electorate maski wala pang halalan," saad ni Lacson sa presscon kasama ang iba pang presidential candidates sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City. "Yan ang essence ng paglabas namin ngayong umaga. At warning na rin na huwag kayo mag-subvert ng will of the electorate kasi we’ll stand up as one," dagdag pa ni Lacson. Kasama sa naturang presscon sina Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso at dating defense secretary Norberto Gonza...