Ping: Transport sector ibangon na sa pandemya
Ping: Transport sector ibangon na sa pandemya
Kung ang ibang sektor ng lipunan ay unti-unti nang nakakabangon sa pandemya ng COVID-19, hanggang sa kasalukuyan ay hilahod pa rin ang nasa transportasyon kaya’t dapat na ibilang na ito sa mga pagtutuunan ng pribadong prayoridad ng pamahalaan.
Ito ang naging panawagan ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson sa kanyang pagsasalita sa pinakahuling ‘Online Kumustahan’ (OK) na ginanap sa Quezon City, kung saan siya ay sinamahan ng kanyang running mate na si Tito Sotto.
“Very important kasi sila ‘yung hard-hit… In fact, the hardest hit sector, ‘yung transport sector ng pandemya dahil ‘nung nag-lockdown talagang tigil lahat sila. Katunayan ‘yung bus operators, mga bus driver, jeepney drivers, taxi drivers, tricycle drivers hirap na hirap,” banggit ni Lacson.
Ang nabanggit na aktibidad ay ginanap sa Elements Events Center sa nasabing lungsod at dinaluhan ng mga kinatawan ng mga TODA, jeepney drivers at maging mga riders na ugnay sa delivery services.
Ayon pa kay Lacson na mayaman din ang kuwento sa naturang sektor bilang anak ng isang dating jeepney driver, ang sektor ay kabilang sa mga naunang dapat na bigyan ng ayuda pero hindi naman nabahaginan agad.
“And that’s the reason why ‘nung in-author ni Senate President ‘yung Bayanihan I, Bayanihan II—at least sa Bayanihan II—naglaan ng pondo doon para bigyan ng ayuda ‘yung mga driver kasi sila talaga ‘yung tinamaan e; P5.58-billion ang inilagak na pondo at kami sinuportahan namin ‘yon bilang miyembro ng majority sa Senado—initiative ni Senate President,” paliwanag pa ni Lacson.
Gayunman, nang siyasatin ang ayuda ay nadiskubreng kakapiranggot lamang ang naipaabot sa nabanggit na sektor.
“So, ang problema, noong nagkaroon na ng audit report ‘yung COA… Aba, e one percent lang pala ang napamigay, so sa halip na matulungan kaagad… Kasi when it mattered most dapat doon na ibigay ‘yung ayuda,” ayon kay Lacson.
Hanggang sa kasalukuyan, mayroon pa ring mga tsuper na napipilitang magpalimos dahil hindi pa rin nakakabalik sa kanilang mga dating pinagkukunan ng ikabubuhay.
Comments
Post a Comment