Ping: Hindi lang boto ang sagrado sa eleksyon, pagiging kandidato rin

 

Ping: Hindi lang boto ang sagrado sa eleksyon, pagiging kandidato rin

“Hindi lang ‘yung pagboto ang sagrado, kundi pati pagtakbo, sagrado ‘yan. ‘Wag nating laru-laruin kasi ang kawawa, hindi tayo; ang kawawa ‘yung susunod sa atin.”

Ito ang mensahe ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson sa mga residente at lokal na opisyal na nakasama sa kanyang pakikipagdayalogo sa mga tsuper at operator ng transport group sa Tanza, Cavite nitong Biyernes.

“Bigyan mo ng power, offer-an mo ng pera. ‘Pag pumasa ‘yan, pasado ang character ng isang tao. ‘Di ba, ‘pag nakatikim ng power naiiba na ‘yung pananaw e. Hindi po ba? Ganyan,” aniya.

Nilahad din ni Lacson kung paano niya dinala sa Senado ang mahigpit niyang polisiya laban sa kotong nang maging hepe siya ng Philippine National Police, na nagresulta sa kanyang malinis na service record.

Hinikayat pa ng presidential candidate ang lahat ng mga Pilipino na lumahok sa pagbabantay sa kaban ng bayan. Aniya, “‘Wag niyo sabihing wala kayong pakialam sa kaban ng bayan, tayong lahat may pakialam.”





Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya