Lacson anti-kotong tumatak sa mga tsuper, pulis

 

Lacson anti-kotong tumatak sa mga tsuper, pulis

Malaki ang naitulong ng polisiya ni Partido Reporma presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson laban sa mga kotong cop para linisin sa korapsiyon ang Philippine National Police (PNP).

Inihayag ito nina Partido Reporma senatorial bet Guillermo Eleazar at Dr. Minquita Padilla sa ginanap na `Online Kumustahan’ nila sa sektor ng transportasyon sa Quezon City noong Sabado.

“Well, we know that during the time of General Ping Lacson ay nakita natin talaga noon `yong napakalaking pagbabago, not only on kotong cops pati na rin ‘yong mga financial reform,” sabi ni Eleazar.

“And I’d like to inform you, sir, na simula ng ginawa niyo ‘yon, lalo na sa financial reform itinuloy namin ‘yon; even though merong mga challenges na hinarap, pero eventually naayos din,” dagdag ni Eleazar na kailan lang nagretiro bilang PNP chief.

Sang-ayon naman si Padilla sa mga inihayag ni Eleazar at dinagdag pang ang kotong ay lahat ng uri ng korapsiyon katulad ng kinasasangkutan aniya ng Pharmally Pharmaceutical Corporation na kinakalkal ng Senado.

“Kasi ‘yong kotong is not just kotong per se sa mga jeepney driver, sa mga bus driver, et cetera. As Senator Lacson said, ang kotong ay lahat ng uri ng korapsiyon at isa sa pinaka-karumal-dumal na korapsiyon ay korapsiyon sa kalusugan, and I think we’ve seen that,” ani Padilla.

Samantala, sa kanilang `Online Kumustahan’ sa General Trias Sports Park sa Cavite, ibinahagi naman ni Lacson na napatunayan aniya na mas magiging masaya ang mga Pilipino lalo na ang Pasko ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan kapag natanggal ang kotong at iba pang uri ng katiwalian sa kalsada man o lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Inilahad ng senador ang anti-kotong policy niya noong PNP chief pa at kung paano siya pinasalamatan ng mga lider ng transport group dahil guminhawa ang kanilang pamamasada sa ilalim ng kanyang pamumuno nang mawala ang mga kotong cop.

“Talagang natutuwa ‘yong mga tsuper. Katunayan, kausap ko ‘yong Pasang Masda saka ‘yong FEJODAP noong, I think, December 2000. Iniimbita ako mag-Christmas party ng mga tsuper sa Tondo,” sabi ni Lacson.

“General, sabi sa akin, baka puwedeng dumalo kayo sa aming Christmas party… (naging) masayang Christmas party dahil nawala ‘yong kotong, nakatipid ‘yong aming mga tsuper. Alam n’yo ba kung magkano? Aabot daw ng mga P300 a day ang kanilang na-se-save dahil nawala ‘yong kotong sa kalsada,” lahad pa ni Lacson.








Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya