People's Budget, Isasakatuparan ni Ping Pebrero 7, 2022 - Sa ilalim ng administrasyong Lacson, ang pambansang badyet ay magiging tunay na "People's Budget" dahil hihikayatin ang mamamayan na magkaroon ng papel sa pagbuo nito. Ayon kay Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson, sa paraang ito maiiwasan na manakaw ang pondo ng taumbayan. "Kumpleto ang consultation para matugunan ang pangangailangan at prayoridad," ani Lacson sa kanyang panayam sa DZRH nitong Sabado. "It is high time ordinary Filipinos take part in such a process by taking part in budget hearings at the local level. Dapat makialam sila dahil pera nila ito," dagdag ng presidential aspirant. Ayon kay Lacson, magiging malaki ang papel ng civil society groups at non-government organizations bilang kinatawan ng ordinaryong Pilipino sa deliberasyon ng badyet sa lokal na lebel bago ito iakyat sa city o municipal council. Nakilala si Lacson bilang masusing tag...