Ping: Usapang Pangkapayapaan sa Lokal na Lebel, Pinakamabisang Paraan Para Kausapin ang mga Rebelde
Ping: Usapang Pangkapayapaan sa Lokal na Lebel, Pinakamabisang Paraan Para Kausapin ang mga Rebelde
January 25, 2022 - Usapang pangkayapaan sa lokal na lebel ang pinakamabisang paraan para kausapin ang mga rebelde sa ilalim ng administrasyong Lacson.
Ayon kay Senador Ping Lacson, sa paraang ito mas mahusay na makikipag-ugnayan ang gobyerno sa mga nakaalam ng kanilang sitwasyon.
"This is why earlier, I proposed in a Senate hearing to shift to localized peace talks with the CPP/NPA. I told ex-Sec Dureza and Sec Bello that talking to Joma was useless. He had either lost control or was pursuing a malevolent agenda. That became the new policy of the government," ani Lacson sa kanyang Twitter post nitong Martes.
"While it goes without saying we will exhaust all means to achieve peace, it is best that the peace efforts be localized. This is considering the failures of past administrations that engaged in centralized peace talks," paliwanag ni Lacson, na kasalukuyang pinuno ng Senate Committee on National Defense and Security sa kabila ng pagdududa ng ibang sektor sa sinseridad ng cntralized leadership ng mga rebelde.
Ani Lacson, inirekomenda niya ang localized peace talks sa kasagsagan ng Senate committee hearing na dinaluhan nina dating Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at Labor Secretary Silvestre Bello III.
Aniya, nasa posisyon ang LGUs para mas matukoy at mabigyang solusyon ang sitwasyon at pangangailangan ng mga rebelde sa iba't ibang lugar sa bansa. Maaari namang magbigay ng malinaw na pamantayan ang gobyerno para sa mga isasagawang pag-uusap kaakibat ng assistance at supervision nito.
Dagdag pa ni Lacson, dapat na maging kasabay ng usapang pangkapayapaan ang pagdedevelop sa mga lugar na inalisan na ng NPA para maiwasan ang pagbalik ng NPA surrenderees sa pagiging rebelde.
Para mangyari ito, sinabi ni Lacson na itatama nya ang ilang kamalian sa pag-iimplementa ng programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para magamit ang pondo sa mga dapat na kalagyan nito.
*****
Comments
Post a Comment