Panukalang BRAVE ni Ping, Umani ng Suporta sa Cebu
Panukalang BRAVE ni Ping, Umani ng Suporta sa Cebu
Disyembre 11, 2021 - Umani ng suporta ang matagal nang krusada ni Senador Ping Lacson na palakasin ang local government units (LGUs) sa pamamagitan ng kanyang panukala na Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE).
Halos 12 local chief executives mula sa mga siyudad ng Naga, Talisay at Carcar ang dumalo sa Online Kumustahan sa Naga City nitong Biyernes kung saan isinulong ni Lacson ang pagsisiguro na ang mga mungkahi na programa, aktibidad at proyekto (PAPs) ay manggagaling ss LGUs.
"All PAPs should emanate from the LGUs. Diyan dapat manggaling," ani Lacson sa Online Kumustahan na ginanap sa Enan Chiong Activity Center sa Naga City na pinalakpakan at mainit na tinanggap ng attendees.
Paliwanag ni Lacson, magbubunga ang BRAVE ng development sa grassroots level at mga trabaho para sa mga residente bunsod ng mga development projects.
"Kakalat ang resources, kakalat ang development, and we can be a great nation again," diin ni Lacson, na tinaguriang "Adopted Son of Cebu" dahil sa kanyang katanging-tanging pamamalakad bilang pinuno ng dating Cebu Metropolitan District Command (MetroDisCom) ng Philippine Constabulary mula 1989 hanggang 1992.
Kabilang sa mga lokal na opisyal ng Cebu na dumalo sa Online Kumustahan ay sina Mayor Kristine Vanessa Chiong (Naga), Mayor Allan Sesaldo (Argao), Mayor Gerald Anthony Gullas (Talisay City), Mayor Lakambini Reluya (San Fernando), Mayor Lionel Bacaltos (Sibonga), Mayor Mariano Terence Blanco (Ronda), Mayor Allan Sesaldo (Argao); at Vice Mayor Nicepuro Apura (Carcar City) at Vice Mayor Inocentes Cabaron (Moalboal).
Kasama rin ang mga mayoralty candidates na sina Eugene Singson (Alcoy), Ronnie Cesante (Dalaguete), Lee Briones (Samboan), Raj Dy (Santander); at vice mayoralty candidates na sina William Lagahid (Dalaguete), Rey Catipay (Samboan), at Myril Puntual (Santander).
Sa ilalim ng BRAVE, mas magkakaroon ng kalayaan at pondo ang LGUs at kaakibat na responsibilidad sa pagpapatupad ng mga proyekto, programa at aktibidad.
Paliwanag ni Lacson, bagamat ipinag utos ni dating Budget Secretary Wendel Avisado ang implementing agencies na kumuha ng certifications mula sa Regional Development Councils para maisama ang mga proyekto sa panukalang badyet para sa 2021, ito ay "tapal" na solusyon lamang.
"We want to institutionalize that," diin ni Lacson, na nakilala sa Senado bilang mahigpit na tagapagbantay ng pambansang badyet.
Dagdag pa ni Lacson, bilyun bilyon ang di nagagamit taun-taon na maaari pa sanang pondohan ang development at livelihood projects sa barangay, municipal, at provincial levels.
Para sa presidential aspirant, panahon na para konsultahin ng mga ahensya ang LGUs sa pagpapatupad ng development projects na mas nakaalam sa mga pangangailangan at prayoridad ng kanilang constituents.
Binisita ni Lacson ang Cebu kasama ang kanyang Vice Presidential candidate na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III. Kasama nila ang senatorial bets ng Partido Reporma na sina Guillermo Eleazar, Minguita Padilla, at Monsour del Rosario.
Malugod na tinanggap ang Lacson-Sotto tandem at Partido Reporma senatorial candidates ng mga residente sa probinsya.
*****
Comments
Post a Comment