Panalo ng Lacson-Sotto sa Cebu ramdam ng Partido Reporma

 

Panalo ng Lacson-Sotto sa Cebu ramdam ng Partido Reporma

Malinaw na nakapitas ng suporta at panalo ang naging pagbisita ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson kasama ng kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa Cebu, na itinuturing na isa sa mga mahahalagang probinsya para sa Halalan 2022.

Ito ay batay sa obserbasyon ng isa sa matataas na opisyal ng Partido Reporma na matagal nang nag-a-analisa ng iba’t ibang sistema na ginagamit ng mga presidentiables at vice presidentiables para sa paglalatag ng kanilang mga plano at plataporma sa publiko.

Naniniwala si Partido Reporma treasurer Arnel Ty na sigurado na ang makukuhang suporta nina Lacson at Sotto dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga residente, lider at miyembro ng iba’t ibang sektor, gayundin ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

Aniya, “Talaga namang mukhang nakuha na ng Lacson-Sotto tandem ang Cebu dahil narinig mismo natin na nagsabi si Winston Fiel Garcia na susuportahan ang tambalan nila.”

Si Garcia ay chairman ng maimpluwensiya at may higit 155,000 na miyembro ng Court of First Instance (CFI) Community Cooperative at kapatid ni incumbent Cebu Governor Gwendolyn Garcia na pinuno ng ‘One Cebu’ provincial party.

Kabilang ang mga Garcia sa mga prominenteng pamilya sa Central Visayas, partikular na sa lalawigan ng Cebu na nakakaimpluwensiya rin sa iba pang mga probinsya sa rehiyon.

Bukod kay Garcia, nagparamdam din ng pagsuporta ang nasa 20 alkalde ng iba’t ibang lokal na pamahalaan na nasasakop ng lalawigan sa pamamagitan ng personal na pagdalo ng mga ito o kaya ay pagpapadala ng mga kinatawan sa iba’t ibang aktibidad ng tandem sa lalawigan.

Sa pinakahuling pagdalaw ng Lacson-Sotto tandem sa Cebu, kabilang sa kanilang mga nagawa ay ang pagpapasinaya at pagdalaw sa Partido Reporma at Sotto headquarters na parehong matatagpuan sa lungsod ng Mandaue.

Dagdag ni Ty, bukod sa suportang ipinakita ni Garcia at iba pang lokal na opisyal sa “Queen City of the South,” indikasyon din aniya ng panalo ng Lacson-Sotto tandem ang dami ng mga dumalo at sumuporta sa kanilang “Online Kumustahan” event sa lungsod ng Naga sa kabila ng pagiging limitado nito dahil sa mahigpit na pagsunod sa health and safety protocol laban sa COVID-19.

“Walang caravan o malakihang parada na gumagawa pa ng abala, pero talagang tagumpay kahit sa Naga,” masigla at kampanteng banggit pa ni Ty.



Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya