Dagdagan pa barko ng ‘Pinas sa WPS – Lacson

 
Dagdagan pa barko ng ‘Pinas sa WPS – Lacson



Sa halip na tanggalin ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, mas mabuti umanong ayusin na lang ito at dagdagan pa, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Ginawa ng Partido Reporma standard bearer ang pahayag kasabay ng kanyang pagtutol sa pahayag ni Chinese foreign ministry spokesman Zhao Lijian na kailangang sundin ng Pilipinas ang “kasunduan” na alisin ang BRP Sierra Madre sa lugar.

“I don’t think there was an agreement. I could not imagine the Philippine government, much less the Department of Foreign Affairs, na papasok sa kasunduan na tatanggalin natin ang BRP Sierra Madre,” sabi ni Lacson sa lingguhang Lacson-Sotto Meet the Press forum.

Dagdag ng senador, mas kailangan pa ngang ayusin at dagdagan ang vessel sa lugar. Ang BRP Sierra Madre ay isang grounded vessel na nagsisilbing outpost ng Philippine Navy sa West Philippine Sea.

“Dapat huwag natin bayaang iusog… Kung kakayanin lagay tayo ng isang barko doon na functioning,” ani Lacson.

Ayon pa sa seandor, hindi ito ang unang beses na nanghimasok ang China sa teritoryo ng Pilipinas at exclusive economic zone sa West Philippine Sea.

Noon pang 1995, inangkin din ng China ang Panganiban (Mischief) Reef. Sinundan ito ng sigalot sa Panatag Shoal noong 2012. Ibinahagi ni Lacson na ang Panatag Shoal ay 118.79 nautical miles ang layo mula sa pinakamalapit na Philippine coastline na pasok sa 200 nautical miles at hindi maipagkakaila na mas malapit kaysa sa China.

Sa kabila ng hindi pagsunod ng China sa kasunduan na pinagitnaan ng Estados Unidos, pinatunayan ng Pilipinas na walang karapatan ang China sa lugar sa pagkakapanalo ng ating bansa sa Permanent Court of Arbitration noong 2016.

Subalit sa kabila nito, iginigiit pa rin gn China ang claim nito sa lugar na 105 nautical miles ang layo mula sa Palawan.

Sa kabilang banda, hinahanda ni Lacson ang isang Senate resolution para ipahayag ang sentimyento ng Senado na nagkukundena sa mga nakaraang aksyon ng China sa West Philippine Sea.

Hiniling din ni Lacson na maging co-author siya ng panukala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na Senate Bill 2289 o “An Act Declaring the Maritime Zones under the Jurisdiction of the Republic of the Philippines.”

Sa ilalim ng panukalang batas, malayang maipapakita ng Pilipinas ang soberanta nito sa katubigan, archipelagic waters at territorial sea at airspace, pati na rin ang seabed at subsoil alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea at iba pang umiiral na batas at treaties.





Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya