Bise Presidente ‘di tatratuhing ‘reserba’ ng Lacson Presidency
Bise Presidente ‘di tatratuhing ‘reserba’ ng Lacson Presidency
Matatapos na ang taguring “pang reserba lang” sa bise presidente ng bansa sa sandaling ang Lacson-Sotto tandem ang mahalal bilang susunod na Pangulo at Bise Presidente ng bansa dahil nagkasundo na sila ng konsultasyon sa isa’t isa sa usapin ng pangangasiwa sa pamahalaan.
Mismong ang Partido Reporma standard bearer ang nagsiwalat ng nabanggit na hakbangin, sa “Meet The Press” (MTP) forum na idinadaos tuwing araw ng Huwebes sa pamamagitan ng Zoom bilang pagtalima sa health protocol na ipinapatupad ng pamahalaan.
“May usapan na kami na kapag kami ay na-block voting, we will observe a Council of Two, we will always consult with each other para sa bayan. Mainam na laging magkasundo ang President and Vice President,” pahayag ni Lacson na kasalukuyang ding chairman ng Partido Reporma.
Agad naman nitong sinang-ayunan ni Sotto sa pagsasabing mareresolba ang problema ng bansa sa pananalapi sa ilalim ng Lacson administration.
“Imagine if Senator Ping is elected President and executes the budget he has watched for over 18 years? Ang laki ng ginhawa ng mga kababayan natin. Eto na ang sagot sa mga problema natin sa pera,” banggit ni Sotto.
Ayon pa kay Lacson, kahit na sa magiging relasyon ng ehekutibo sa lehislatura ay siguradong nasa unahan sila kumpara sa ibang mga kumakandidato.
“Diyan kami medyo lamang, lalo na si SP (Senate President Sotto). Never kong na-experience mula noong maupo ako sa Senate na ni minsan hindi na-threaten ma-kudeta ang Senate President,” paliwanag ni Lacson kay Sotto bilang pangulo ng Senado.
Pagdating sa galawang panlehislatura, isinilarawan ni Lacson si Sotto bilang “Mas kabisado niya more than I do, he knows more than anybody how to maintain that relationship with the legislative without being too cocky or mamuwersa.”
Bago ang mga pahayag na ito, una nan binanggit ng political analyst na si Malou Tiquia na ang Lacson-Sotto tandem ang pinakahandang magtrabaho sa gobyerno kahit sa unang araw pa lamang ng paninilbihan bilang Presidente at bise presidente.
Comments
Post a Comment