SPEECH OF SENATOR PING LACSON: Filing of Certificate of Candidacy for President

 SPEECH OF SENATOR PING LACSON: Filing of Certificate of Candidacy for President

October 6, 2021 - Kakayahan, Katapatan, Katapangan – Mga katangiang taglay ng Lacson-Sotto tandem na layuning maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa ating pamahalaan.


Kahit minsan hindi tumanggap ng suhol kapalit ang serbisyo publiko – nananatiling walang bahid ng korapsyon ang siya naming gagamiting pinakamabisang armas upang buwagin ang mga sindikato sa loob at sa labas man ng gobyerno.


Kung ipagkakaloob ng Diyos na ang Lacson-Sotto tandem ang mapipiling mamuno, isang disiplinadong burukrasya ang paiiralin – kabilang na ang maayos na paggastos ng pambansang badyet upang makaabot ang biyaya at kaunlaran sa mga liblib na lugar ng bansa. Marapat lamang na mauna ang kapakanan ng higit na nakararaming Pilipino.


Taos-puso kong iniaalay ang huling yugto ng aking paglilngkod sa ating Inang Bayan, sa aking mga namayapang magulang na siyang nagmulat at gumabay sa aming magkakapatid – na kahit kapos sa yaman at salat sa buhay, ang tuwinang tagubilin nila ay hindi dapat maging hadlang ang kahirapan sa pagtulong sa kapwa – lalo na sa mga kapus-palad.


“Ang tama ay ipaglalaban, ang mali ay lalabanan” – isang personal na kredo na aking sinusunod na pamantayan sa mahabang panahon ng aking panunungkulan bilang isang sundalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, isang alagad ng batas at hepe ng Pambansang Pulisya, Presidential Assistant ng dating Pangulong Benigno Aquino III, at Senador ng Republika.


Panahon na upang maipanumbalik ang dignidad at respeto sa sarili ng bawa’t Pilipino sa loob at labas ng ating bansa.


Kapag ang namumuno ay matino at nirerespeto, panalo ang pangkaraniwang Pilipino!


Maraming, maraming salamat po. Patnubayan tayong lahat ng Diyos.


*********



Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya