BAKIT DAPAT IKAMPANYA AT IBOTO SI SEN. PANFILO M. LACSON BILANG PRESIDENTE
BAKIT DAPAT IKAMPANYA AT IBOTO SI SEN. PANFILO M. LACSON BILANG PRESIDENTE
Kailangan natin ng mahusay at mapagpasyang lider. At kailangan niya tayo!
WINNABILITY: Siya ang 3rd over-all noong 2007 (15.5 M votes) at 4th overall noong (17M) votes noong 2016 kahit tumakbo siya sa pagka-senador bilang Independent candidate. Pinagtiwalaan siya ng mga mamamayan sa kabila ng panggigipit at paninirang puri ng mga natamaan ng kanyang anti-corruption advocacy.
MATURITY: Nasa kanya ang idealism ng mga kabataan at karunungang pinatibay ng deka-dekadang karanasan bilang lingkod-bayan.
HONESTY: Hindi siya nagpayaman sa puwesto noon at ngayon. Kapag siya ang naging Pangulo, asahang di niya gagamitin ang puwesto para magpayaman.
EXPERIENCE: Siya ang tanging kandidato na humawak ng isang national executive office na epektibong nangasiwa sa mahigit 100,000 officers at tauhan ng national police sa buong bansa.
NATIONAL SECURITY: Siya lang ang kandidatong may training at karanasan sa pagharap sa domestic at international security problems, gaya ng local insurgency at international terrorism, pati na ang territorial issues sa China.
NATIONAL DEVELOPMENT: Siya lang ang tanging mambabatas na tumutok sa detalye at numero sa national budget. Matagal na niyang adbokasiya ang isang national budget na malinis sa korupsyon.
PRO-FILIPINO: Hindi siya partisano, wala siyang kulay sa pulitika, pero laging pro-Filipino. Isa lang ang kanyang motto: “Ang tama ay panatilihing tama at ang mali ay itama”.
CHARACTER: Si Ping Lacson ay isang officer and a gentleman. Kaya niyang harapin sinuman at handa laging makinig sa mamamayan. Anak siya ng jeepney driver at isang tindera sa palengke. Kaya niyang kausapin ang isang mamamayan o maging ang pinakamataas na opisyal ng ibang bansa, na may katulad na sinseridad at paggalang.
Kausapin natin lahat – ang pamilya natin, mga kamag-anak, mga kaibigan at kani-kanilang kaibigan at kaanak – laluna ang first time voters, kung ano ang kayang gawin ni Ping Lacson para sa kabutihan ng bansa.
Ipasa natin ang message na ito.
*********
Comments
Post a Comment