Ping, Sinita ang Bilyon-Bilyong 'Off-Budget' na Kita na Gov't Hospitals
Ping, Sinita ang Bilyon-Bilyong 'Off-Budget' na Kita na Gov't Hospitals
Oktubre 14, 2021 - Paano nasisikmura ng mga pampublikong ospital na singilin pa ang mga kababayan nating naka-confine doon, samantalang bilyon-bilyon naman ang kanilang "off-budget" na kita nitong mga nakaraang taon?
Ito ang pinuna ni Sen. Ping Lacson nitong Miyerkules sa kanyang interpelasyon sa panukalang badyet ng Department of Health (DOH) para sa 2022.
Giit ni Lacson, kung malaki naman pala ang kinikita nila ay pwede itong pambayad sa mga gastusin sa ospital ng mga mahihirap na pasyente lalo na ang mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.
"Why would we still charge patients hospitalization fees at a time of pandemic? Should it not be that the amount be used to cushion the suffering of our people who are confined in government hospitals?" dagdag ni Lacson, na sinang-ayunan naman ni DOH Secretary Francisco Duque III.
"Hindi ba parang may kaunting konsensya issue rito? We’re not using the budget yet we’re charging patients," diin ni Lacson.
"I think a review of these off-budget accounts is in order para maipuno natin sa pangangailangan," aniya.
Para kay Lacson, senyales na ito na may mali sa pamamahala ng mga pampublikong ospital. "Kumikita naman, bakit di nagagamit? That’s my point," punto ng mambabatas.
Ayon sa Budget Expenditure and Sources of Financing (BESF), lumalabas na may P448.439 bilyon na "retained income for 2021 hospital fees" ang DOH para sa 2021.
Aminado naman si Duque na nagulat din siya sa halagang ito at nangakong titignan ang pinagmulan ng nasabing kita.
Ikinagulat din ni Philippine Heart Center executive director Joel Abanilla ang pagkalaki-laking halaga ng kita na ito ng mga pampublikong ospital.
Ang off-budget accounts sa ilalim ng BESF ay ang mga retained income o resibo na ibinibigay ng DOH galing sa lahat ng 'retained hospitals' na kumikita sa pamamagitan ng: hospital fees, mga gamot, rent/lease income, seminar/training fees, certification fees, kita galing sa mga hostels/dormitories at iba pang pasilidad, printing at publication, at iba pang business income. Anumang uri ng paggastos ay naka-kategorya lamang bilang “Augmentation of MOOE and CO.”
Nilinaw din kalaunan ni Duque na ang off-budget account para sa 2021 ay nagkakahalaga lamang ng P21.3 bilyon sa halip na P448 bilyon dahil mali ang naunang sinumite ng Eastern Visayas Medical Center kung saan nailagay nito na P448 bilyon ang dapat sana ay P448 milyon lamang.
Aniya, makikipag-ugnayan ang DOH sa Department of Budget and Management para maitama ang mga numero.
Sa kabila nito, sinabi naman ng DOH na susuriin pa rin nila ang mga kinikita ng ospital dahil malaking halaga ng pera ang nakita rito.
Ayon kay Lacson, ang off-budget accounts ay nagkakahalaga ng P4.789 billion noong 2016, P9.092 billion noong 2017, P6.156 billion noong 2018, P7.667 billion noong 2019, at P8.035 billion noong 2020.
"We are among the few countries without zero billing in government hospitals. In countries like Cuba, citizens need not pay for hospitalization if they are confined," banggit ni Lacson.
"It doesn’t make sense that the DOH does not spend its off-budget accounts, yet is still punishing our patients by billing them, especially during the time of Covid when so many have lost their livelihood. They have to run to senators, congressmen, mayors, and governors for help. It’s rather cruel for government hospitals to be charging patients when so much is left in their off-budget accounts," dagdag ng senador.
Sa kabila nito, sinabi naman ni National Kidney Transplant Institute director Rose Marie Rosete-Liquete na ang kanilang service cases ay walang balance billing kahit sa mga may kaso ng Covid.
*********
Comments
Post a Comment