Ping: Pabilisin Na ang Rollout ng National ID

  Ping: Pabilisin Na ang Rollout ng National ID

Oktubre 14, 2021 - Para matulungan ang mga Pinoy na makabangon sa mga problema dulot ng pandemya, nanawagan si Senador Ping Lacson nitong Huwebes para sa mabilisang rollout ng National ID system.


Ayon kay Lacson na isa sa may-akda at sponsor ng batas nang nasa Senado pa ito, matutugunan ng National ID ang mga isyu sa ayuda at iba pang serbisyo para sa publiko.


Dagdag pa ng senador, maiiwasan ang korapsyon kapag mabilis na naipatupad ang National ID System, pati na rin ang digitalization at interoperability ng mga sistema sa mga ahensya ng gobyerno.


"Ito dapat i-accelerate ang rollout ng implementation. It will solve a lot of issues: ayuda, social services, laban sa graft, red tape. Ang daming ma-solve kung fully implemented ang National ID system," pagbabahagi ng senador sa Pandesal Forum.


Ani Lacson, bagama't marami ang duda sa National ID dati, mas nakita na karamihan ngayon ang kahalagahan nito lalo na tuwing pandemya.


Dagdag pa ng senador, makakatulong ang National ID sa digitalization ng mga transaksyon sa gobyerno katulad ng ginawa sa South Korea. Kahit sa China, online na ang customs system nila at wala nang puwang ito para sa human intervention.


"Imagine how much we can save from public funds kung may interoperability ang ating government processes, transactions between and among government agencies, private sector and government. Less human intervention, less corruption if not ma-stop ang corruption," sabi ni Lacson.


*********

Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya