'Entrapment' At Matinding Pagdidisplina Para Sa Mga Korap, Asahan Sa Ilalim Ng Lideratong Lacson-Sotto
'Entrapment' at Matinding Pagdidisplina Para sa Mga Korap, Asahan sa Ilalim ng Lideratong Lacson-Sotto
Oktubre 12, 2021 - Kakaibang uri ng pagdidisiplina sa mga korap na miyembro ng Gabinete ang mararanasan sa ilalim ng pamumuno ni Senador Ping Lacson at Senate President Tito Sotto sakaling manalo sila sa pagka-Presidente at pagka-Bise Presidente sa darating na halalan.
"If we become President and Vice President of this country, Filipinos may yet witness the spectacle of a Cabinet member turned rogue being arrested for extortion. This is the kind of discipline that the Lacson-Sotto leadership intends to instill in government officials," ani Lacson sa kanyang Twitter post nitong Martes.
"It’s about time na ang example ay manggaling sa kataas-taasan. Hindi pwedeng ang sinisibak lamang ay yung maliit at hindi sumusunod kasi nakikita sa taas namamayagpag," dagdag pa ng senador sa kanyang panayam sa Radyo 5.
Si Lacson, na nakilalang galit sa korapsyon bilang tagapagpatupad ng batas at mambabatas, ay nagsulong muli ng digitalization at interoperability ng mga sistema sa mga ahensya ng gobyerno para maiwasan ang korapsyon.
Aniya, computerized man ang transaksyon sa Bureau of Customs, hindi naman automated ang kanilang sistema, dahilan para ito ay pakialaman ng sinuman at pagmulan ng red tape.
"Pag pinalitan mo ang buong bureaucracy, mangangapa at kung madapuan, mangyayari na naman. Dapat ang approach is systematic, hindi pwedeng tao lang ang papalitan,” paliwanag ni Lacson.
Dagdag pa ng senador, karamihan sa mga tauhan sa BOC ay oobserbahan lamang ang bagong pinuno at titignan kung may political will talaga ito na tanggalin ang korapsyon sa ahensya.
"Marereporma din ang mga tao. Pero pag nakitang 'Task Force Pakilala' lang, tapos bibigay din, backsliding lahat yan,” sabi ni Lacson.
*********
Comments
Post a Comment