Ping, Humiling ng Isang Mapayapang Rebolusyon sa Mayo 9
Ping, Humiling ng Isang Mapayapang Rebolusyon sa Mayo 9 Mayo 7, 2022 ( CARMONA, Cavite) - Sa kanilang ginanap na miting de avance Biyernes ng gabi, hinikayat ni independent presidential aspirant Sen. Panfilo "Ping" Lacson ang sambayanan na maglunsad sa Mayo 9 ng isang mapayapang rebolusyon sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang karapatan na bumoto ng karapat-dapat na lider ng bansa. Ito ang panawagan ni Lacson at ng kanyang ka-tandem na si Senate President Tito Sotto sa harap ng mahigit sa 50,000 supporters na dumalo sa Verdant Square. "Nananawagan ako sa inyo. Inaanyayahan ko kayo na maglunsad tayo ng isang rebolusyon. Hindi po rebolusyon na tulad ng pinaglaban ng ating mga ninuno ng ating mga bayani. Ito po ay isang tahimik na rebolusyon kung saan ang ating gamit ay ang ating mga panulat upang i-shade sa balota ang mga pangalan ng mga dapat at karapat-dapat na mamuno sa ating bansa," ani Lacson. Muling binigyang diin ng presidential bet na hindi na natin kaya p...