Ping: Lalabanan Natin Ang Anumang Hakbang para Hadlangan ang Demokrasya
Ping: Lalabanan Natin Ang Anumang Hakbang para Hadlangan ang Demokrasya
Abril 17, 2022 - Nanindigan si independent presidential candidate Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson nitong Linggo na patuloy niyang lalabanan ang anumang hakbang para hadlangan ang karapatan ng mga botante na bumoto sa ilalim ng demokrasya.
Ayon kay Lacson, hindi siya nag-iisa sa karanasan kung saan kinukumbinsi siya at ibang kandidato sa pagka-Presidente na umatras kapalit ng pera at iba pang konsiderasyon.
"Sinu-subvert na natin ang will ng electorate maski wala pang halalan," saad ni Lacson sa presscon kasama ang iba pang presidential candidates sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City.
"Yan ang essence ng paglabas namin ngayong umaga. At warning na rin na huwag kayo mag-subvert ng will of the electorate kasi we’ll stand up as one," dagdag pa ni Lacson.
Kasama sa naturang presscon sina Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso at dating defense secretary Norberto Gonzales, na nagbahagi ng kanilang karanasan kung saan may kumausap sa kanila mula sa kampo ng isang kandidato para hikayatin na umatras sa kanilang kandidatura.
"We’re emphasizing this morning that nobody will withdraw. We’ll go all the way till May 9, come what may. Let’s not buy their propaganda no matter how foul and below the belt," giit ni Lacson.
Pagbubunyag ng senador at independent presidential aspirant, isa si dating Quezon City Mayor Brigido "Jun" Simon Jr. sa mga lumapit sa kanya para hikayatin siyang umatras bilang pabor kay Vice President Leonor Robredo.
Sinabi rin ni Lacson na tila hinuhubaran siya at ang ibang mga kandidato ng kani-kanilang support groups.
"They are trying to strip us of our supporters and support groups," ani Lacson. Dagdag pa nito, ganito ang nangyari sa kanyang dating partido na Partido Reporma at sa "Ikaw Na" support group ni Domagoso.
Sa kabila nito, nanatili naman sa pagsuporta ang karamihan sa mga miyembro ng Reporma na umalis na rin sa partido matapos ang pagbaba ni Lacson bilang Chairman ng partido.
"Marami talagang attempts at ninlilimit ang choices sa dalawa. That’s why we had to do this," paliwanag ni Lacson.
"Sabi ko baka pwedeng kausapin natin ang ibang kasamang tumatakbo, baka may sariling experience."
Muli namang iginiit ni vice presidential bet, Senate President Vicente "Tito" Sotto III ang kanyang pagsuporta sa mga pahayag nina Lacson, Domagoso at Gonzales. "I fully support the stand they are making on this," ani Sotto.
*****
Comments
Post a Comment