Ping: Limang Dekadang Rebelyon, Tuldukan Na

 

Ping: Limang Dekadang Rebelyon, Tuldukan Na


Marso 14, 2022 - Panahon na para pagkaisahin ang sambayanang Pilipino at tuldukan ang limang dekada ng rebelyon sa bansa.


Ito ang panawagan ni Senador Ping Lacson sa kanyang pagbisita sa probinsya ng Isabela kung saan nagmula ang New People's Army (NPA) sa bayan ng Jones noong 1969.


"Dapat talaga, the Philippines deserves a better peace and order and prosperity. Dapat magkaisa-isa na tayo para ang kapayapaan at katahimikan mamayani sa ating bansa at tuloy umasenso na tayong lahat," ani Lacson sa naganap na flag-raising ceremony sa Cauayan, Isabela.


“Our country needs strong leadership, someone with vision and the ability to implement peace and order,” dagdag ng senador.


Pagbabahagi ni Lacson, halos dalawang libong katao ang namatay sa loob ng limang dekadang rebelyon habang bilyun- bilyong piso ang nawala sa kaban ng bayan at napunta sa mga NPA para sa kanilang revolutionary tax. Sila rin ang responsable sa pagsira sa ilang mga kagamitan at ari-arian ng mga negosyanteng hindi sumasang-ayon sa kanilang grupo.


Pinunto rin ni Lacson na si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nagsiwalat ng isang impormasyon na nagsasabi na may mga miyembro ng Communist Party of the Philippines, NPA at National Democratic Front na nakapag-"infiltrate" sa mga kampanya ng ilang kampo.


Giit din ni Lacson na dalawang beses nang nabigyan ng posisyon sa gobyerno ang ilan sa mga miyembro ng CPP-NPA at patuloy na lumalakas ang kanilang pwersa.


"Napansin namin, ang lalakas ng armas so pag nasa govt ang CPP NPA lumalakas ang pwersa nila within the govt bureaucracy itself," ani Lacson. Sinabi rin ng presidential aspirant na hindi na dapat hayaan muli ng taumbayan na pumasok sa isang koalisyon ang CPP-NPA.


Sa kanyang talumpati, inalala ni Lacson ang kanyang tungkulin noon bilang provincial commander ng Philippine Constabulary sa Isabela noong 1988. Dito niya ipinatigil ang pagsasagawa ng NPA ng checkpoint at nagpatupad siya mismo ng sariling checkpoint ng Constabulary.


Kinwento rin ng senador ang isang misyon nila noon kung saan inambush sila ng NPA kung saan kabilang sa napatay ay si Lt. Rosauro Toda na miyembro ng Philippine Military Academy Class 1986. Ayon kay Lacson, siya dapat ang target ng ambush kung hindi unang nasugod ng reinforcing group ni Toda ang ambush site ng NPA.


Kasalukuyang bumibisita si Lacson sa Isabela kasama ang kanyang ka-tandem na si Senate President Tito Sotto.


Tumatakbo sila sa ilalim ng plataporma na "Aayusin ang gobyerno, aayusin ang buhay ng bawat Pilipino" at pagpapanagot sa mga tiwali sa gobyerno "Uubusin ang magnanakaw."


*****

Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya