Ping: 'Positive' Government Intervention, Kailangan Para Maiahon ang MSMEs sa Pandemya

 

Ping: 'Positive' Government Intervention, Kailangan Para Maiahon ang MSMEs sa Pandemya


Pebrero 22, 2022 - Kailangan na ng "positibong" government intervention para matulungan ang Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na makabangon mula sa epekto ng pandemya.


Ayon kay Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson, ito ang dapat gawin sa halip na overregulation na pumipigil sa pribadong sektor na mas makatulong sa economic recovery.


Binubuo ng MSMEs ang halos 99.5 porsyento ng mga negosyo sa bansa at 63.2 porsyento ng kabuuang labor force.


"Pag mag-intervene ang gobyerno, patulong hindi pabawal," ani Lacson sa kanyang panayam sa DZRH radio.


Sakaling mahalal bilang Pangulo, magpapatupad si Lacson ng komprehensibo at targeted financial packages para sa MSMEs kasabay ng mga matatanggap na tulong mula sa pribadong sektor.


Dagdag pa ni Lacson, may ibang mga kumpanya tulad ng SM Group na nagbibigay ng loan sa mga suppliers, karamihan dito ay MSMEs na kanilang magagamit sa pagbangon mula sa pandemya.


Sa parte naman ng gobyerno, sinabi ni Lacson na may ilang government financial institutions na maaari ring makatulong sa MSMEs.


"Maraming pamamaraan, pero dapat ang gobyerno doon mag-i-intervene positively," ani Lacson.


Kasalukuyang tumatakbo si Lacson sa ilalim ng plataporma na "Ayusin ang gobyerno para maging maayos ang buhay ng bawat Pilipino" at pagpapanagot sa mga tiwali sa gobyerno.


*****

Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya