Ping: EO para sa National ID, Magreresulta sa Mas Mabilis Na Transaksyon sa Gobyerno
Ping: EO para sa National ID, Magreresulta sa Mas Mabilis Na Transaksyon sa Gobyerno
Pebrero 17, 2022 - Ang executive order na nagtatakda sa Philippine Identification (PhiIID) o Philippine Identification System Number (PSN) bilang sapat na pruweba ng pagkakakilanlan para sa lahat ng transaksyon sa pribado at pampublikong sektor ay magreresulta sa mas mabilis na proseso hindi lamang para sa mga Pinoy kundi para na rin sa mga foreigners na nakatira at may negosyo sa bansa.
Binigyang papuri ni Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang executive order.
"Thank you President Rodrigo Duterte for this. Being an author/sponsor of the measure in the Senate and a longtime advocate of the National ID system like you, I support you unequivocally in this regard," ani Lacson sa kanyang Twitter account nitong Miyerkules.
Sa ilalim ng Executive Order 162, binigyang diin ng Pangulo na may "urgent need to institutionalize the acceptance of the PhilID and PSN, as authenticated, as sufficient proof of identity and age in all government and private transactions, to improve efficiency in the delivery of social services, strengthen financial inclusion and promote ease of doing business."
Si Lacson ang may akda at sponsor ng panukalang PhilSys (National ID) sa Senado na layong tugunan ang mas madaling paraan sa pagsugpo sa krimen at pagbibigay ng mas mabilis na serbisyo sa lahat ng Filipino.
Binigyang diin ni Lacson ang kahalagahan ng National ID system sa pagbibigay ng serbisyo publiko at sa pagkakaroon ng access sa mga serbisyo na mula sa pribadong sektor nang hindi na kinakailangan pa na magdala ng maraming ID cards.
Para kay Lacson na nagsilbi rin ng halos tatlong dekada bilang law enforcer, mahalaga rin ang National ID system sa pagpuksa ng krimen at korapsyon.
Maliban pa rito, makakatulong din ito sa pagsasaayos ng pagkolekta ng buwis.
Sa kabilang banda, nanawagan naman muli si Lacson sa Philippine Statistics Authority na agarang tugunan ang mga isyu ng delay sa paghahatid ng National ID cards at mas paigtingin ang information drive tungkol sa aplikasyon para sa PhilSys cards.
"It bears repeating that the PSA should expedite the printing and delivery of the National ID cards - as well as renew and intensify its information drive on how Filipinos can apply for them," saad ni Lacson.
*****
Comments
Post a Comment