Ping: Anong 'Lack of Groundwork'?

 

Ping: Anong 'Lack of Groundwork'?


Enero 28, 2022 - Hindi ba ground work ang paglaban sa mga kriminal sa lansangan at sa mga nasa matataas na pwesto sa nakalipas na 50 taon, alang-alang sa sinumpaang tungkulin?


Ito ang tugon ni Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo "Ping" Lacson sa bintang na kulang daw siya sa ground work.


"I risked my life countless times, kicking doors while leading my men to save people I didn’t even know. I fought notorious armed robbers to make people sleep soundly at night. I saved P300B of public funds from being misused and abused. Kulang sa ‘ground work’? I value my work," ani Lacson sa kanyang Twitter account.


Noong nasa Philippine Constabulary at Philippine National Police siya mula 1971 hanggang 2001, nilabanan ni Lacson ang mga sindikato. Sinagip niya ang mga kidnap-for-ransom victims ngunit tinanggihan ang gantimpalang alok ng kamag-anak ng mga sinagip niya. Nilabanan din niya ang mga armed robbery gangs.


Tinanggihan ni Lacson ang mga suhol ng illegal gambling operators at ng mga nakikipag-transaksyon sa PNP, na kanyang dinisiplina nang naging pinuno siya ng institusyon mula 1999 hanggang 2001, dahil sa disiplina at leadership by example.


Bilang Senador mula 2001-2007 at 2016-2022, binuking ni Lacson ang katiwalian sa pamahalaan at pinabuwag ang pork barrel system. Tiniyak din niyang maibalik sa kaban ng bayan ang kanyang Priority Development Assistance Fund allocations.


Sa kanyang pagbusisi sa pambansang badyet, napigilan ni Lacson ang maling paggamit at pag-abuso ng hindi bababa sa P300 bilyon ng pera ng taumbayan.


"I did my work, even if I made enemies in high places. That shows how I value my work," ani Lacson.


*****

Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya