Sen Ping Lacson tinaya buhay laban sa korapsyon
Sen Ping Lacson tinaya buhay laban sa korapsyon
Minsan nang tinaya ni Senador Panfilo Lacson ang kanyang buhay para lamang panindigan na hindi siya magpapasuhol sa sinuman kapalit ang pagpapahintulot sa iligal na aktibidad.
Sinabi ng presidential bet ng Partido Reporma na noong nagsilbi siyang provincial director ng Philippine National Police (PNP) sa Laguna noong 1992, may nag-aalok ng buwanang P1.2 milyon hanggang P1.8 milyong suhol kapalit ng pagpapahintulot ng illegal gambling sa lalawigan.
Tinanggihan niya ang inaalok na payola at hinamon pa ang kanyang mga tauhan sa provincial command na itali siya sa flagpole saka barilin kaysa tumanggap ng suhol.
“Nariyan ang flagpole. Itali nyo ako riyan at barilin nyo ako,” pagbabalik tanaw ni Lacson.
Noong manilbihang PNP chief si Lacson noong 1999 hanggang 2001, winalis niya ang mga “kotong” cops at mahigpit na pinatupad ang “no-take” policy sa PNP.
Inatasan rin niya ang mga miyembro ng kanyang directorial staff na huwag tatanggap ng pera mula sa mga contractor sa pagbili ng mga supply ng PNP.
Ayon kay Lacson, para maging lider ng higit 100 milyong Filipino, kailangang pumasa sa hamon ang isang presidential bet na hindi sila masisilaw sa pera at kapangyarihan kapag nasa harap na nila ito.
“The ultimate test of a person’s character: give him power and offer him money. If he passes this test, he is the ‘leader we need,'” ayon sa pinost ng senador sa kanyang Twitter account.
*********
Comments
Post a Comment