Ping sa DSWD: Mas Bigyang Kapasidad ang Mga Mahihirap na Bayan

 Ping sa DSWD: Mas Bigyang Kapasidad ang Mga Mahihirap na Bayan

dswd 2022

Oktubre 19, 2021 - Hinimok ni Senador Ping Lacson nitong Lunes ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawing prayoridad ang mga mahihirap na bayan - o mga fifth- at sixth-class municipalities - sa kanilang Technical Assistance and Resource Augmentation (TARA) program.


Para kay Lacson, makakatulong ito para masiguro na nagagamit nang maayos ng DSWD ang pondo para sa programang TARA at talagang nakikinabang dito ang mga lokal na pamahalaan na kailangan ng tulong.


"One criterion na naisip ko, i-prioritize siguro fifth and sixth-class municipalities kesa first class municipalities, kasi hindi na siguro kailangan, technically capacitated na sila," ani Lacson sa pagdinig ng Senado sa badyet ng DSWD para sa 2022.


Humingi rin ng paliwanag ang senador kung bakit patuloy na nagbibigay ng technical assistance ang TARA taun-taon sa 1,240 munisipalidad simula pa noong 2015.


Ang Technical Assistance ay mga aktibidad na ginagawa ng DSWD para magpamahagi ng technical at organizational skills at kaalaman sa mga lokal na unit, ahensya o organisasyon, grupo o indibidwal - lalo na kung hiningi nila ito - na layong i-standardize at i-upgrade ang pagbibigay ng social services.


Ibinahagi ni Lacson ang kanyang karanasan noon bilang Presidential Assistant on Rehabilitation and Recovery (PARR) - kung saan tinulungan nila na ma-capacitate ang 171 siyudad at bayan na apektado ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan) - kung saan ang mga nabigyan ng tulong ay nagkapagtapos sa Development Academy of the Philippines makalipas ang ilang taon.


Binigyang pansin ni Lacson ang tulong pinansyal na ibinigay ng United States Agency for International Development (USAID) sa pakikipag-ugnayan kay dating Mission Director Gloria Steele sa OPARR kung saan naging posible ang enrollment at graduation ng mahigit 160 development at community planning officers ng mga LGU na hinagupit ng bagyong Yolanda.


"Siguro kung itong P1.121 bilyon taun-taon, marami na kayo napa-graduate ng masteral kesa capacitate sa pamamagitan ng training," ani Lacson sa DSWD.


Patuloy na isinusulong ni Lacson ang kanyang adbokasiya na palakasin ang mga lokal na unit para magkaroon sila ng sariling development project. Binigyang diin din ng presidential aspirant na mas mabuti kung ang TARA ay magiging need-driven sa halip na demand-driven.


Base sa mga datos na ibinahagi ni Lacson, may badyet ang TARA na P632 miyon noong 2016; P756 milyon noong 2017; P891 millyon noong 2018; P970 milyon noong 2019; P979 milyon noong 2020; at P1 bilyon para sa 2021.


"Hindi natin kinu-question pero baka hindi na-attain ang tunay na objectives. Hindi ba result-driven ito?" tanong ni Lacson.


*********

Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya