Mga Taga-Suporta ng Lacson-Sotto Tandem, Nag-Organisa ng Relief Ops sa Iloilo
Mga Taga-Suporta ng Lacson-Sotto Tandem, Nag-Organisa ng Relief Ops sa Iloilo
Abril 13, 2022 - Hindi man nakabisita ang tandem ni independent presidential aspirant Sen. Ping Lacson at vice presidential bet niyang si Senate President Tito Sotto sa Iloilo bunsod ng masamang panahon, siniguro naman ng kanilang mga taga-suporta na ramdam ang kanilang presensya sa lugar upang magbigay ng tulong.
Sama-sama silang nag-organisa ng relief operations sa Iloilo City at Estancia na isa sa mga bayan sa Iloilo na lubhang naapektuhan ng pagbaha dulot ng Tropical Cyclone Agaton.
Nakatakda sanang bumisita ang Lacson-Sotto tandem sa Estancia nitong Miyerkules ngunit ipinagpaliban muna nila ito dahil sa masamang panahon.
"It is very heartening to know that our volunteers decided to share what they have for their fellow Filipinos - all without fanfare. We cannot thank them enough for taking the initiative to 'convert' a sortie into a meaningful humanitarian cause like what they are doing now," ani Lacson base sa mga ulat na kanyang natanggap mula sa Lacson Sotto Support Group (LSSG).
Kasama sa relief goods na inihanda ng mga miyembro ng LSSG ang bigas, mga de lata, noodles, damit at face mask.
Patuloy din sila na nakikipag-ugnayan sa Philippine Coast Guard sa pamamahagi ng relief items sa mga apektadong lugar sa Northern Iloilo, kabilang na ang Pilar, San Dionisio, Sara, Lemery, at Ajuy.
Ayon sa isa sa mga nasa likod ng naturang relief operations, ang pagtulong nila ay hango rin sa magandang halimbawa na naipakita ng independent presidential aspirant sa kanyang ilang dekadang serbisyong publiko.
"It is always our pleasure to do this humanitarian act with your LEAD as our inspiration. You have our gratitude for your support to this activity," saad ni Iloilo-based supporter Inesitas Palermo sa kanyang mensahe kay Lacson.
*****
Comments
Post a Comment