Statement of Partido Reporma Cavite Chapter on the March 4 Cavite Rally

 

Statement of Partido Reporma Cavite Chapter on the March 4 Cavite Rally


March 7, 2022 - Ang Partido Reporma Cavite Chapter ay nais na magbigay linaw sa mga naging pahayag ng aming Chairman at Standard Bearer na si Senador Ping Lacson tungkol sa naging rally sa Cavite noong Marso 4, 2022.


1. Bilang tapat na anak ng Kabite, hindi matatawaran ang pagmamahal ni Sen. Lacson sa ating lalawigan. Saksi kami sa sinserong kagustuhan niyang maayos ang buhay ng bawa't Pilipino. Bilang Kabitenyo tulad natin, lagi niyang sinasabi na hinding hindi niya ipapahiya ang kanyang mga kababayan.


2. Matagal nang nagsilbing intelligence officer ng PNP si Senador Lacson hanggang sa maging Chief PNP. Alam niya na lahat na paratang, dapat ay may basehan. Bihasa siya sa pag-fact check. Dahil din dito, malawak ang intelligence network ni Senador Lacson.


3. Matagal nang gustong mawakasan ng ating pamahalaan ang insurgency na nagdulot na ng napakaraming pagkawala ng buhay. Lahat tayo ay naghahangad ng kapayapaan.


4. Ngunit hanggang ngayon, may totoong banta pa rin ng insurgency at patuloy sila sa pag-recruit ng mga kabataan para sumama sa kanilang hanay.


5. Kadalasan, ginagamit ng mga grupong ito ang isang lehitimong panawagan tulad ng panahon ng eleksyon upang mapalawig ang kanilang organisasyon.


6. Malaya ang mga Kabitenyo na mag-attend ng kahit anong rally na kanilang nais. Parte ito ng demokrasya na kanyang pinangangalagaan at pinaglalaban.


7. Hindi din niya sinabi na ang lahat ng nagpunta sa rally ng kahit sino ay may koneksyon sa CPP-NPA-NDF.


8. Mabuti ang hangarin ni Sen. Lacson. Ito ay ang ipabatid sa mga tao na may ganitong banta sa seguridad na maaaring ikapahamak ng marami.


Nananawagan kami na sana ay itigil na ang mga walang basehang paratang laban kay Senador Lacson dahil lahat naman tayo ay nagkakaisa sa mithiin na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa ating bansa.


Tulad ng pangako niya sa ating lalawigan, mananatili siyang Tapat na Anak ng Kabite.



ATTY. RAFAEL RODRIGUEZ

Chairman, Partido Reporma Cavite Chapter

Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya