Ping sa PSA: Bilisan ang Printing, Delivery ng National ID; Paigtingin ang Info Drive Hinggil sa Application

 

Ping sa PSA: Bilisan ang Printing, Delivery ng National ID; Paigtingin ang Info Drive Hinggil sa Application


Enero 30, 2022 - Kaya ba ng Philippine Statistics Authority (PSA) na agad na matugunan ang mga isyu tungkol sa National ID?


Tinanong ng netizens si Senador Ping Lacson, na may akda at principal sponsor ng National ID Law, kung ano ang sanhi ng delay sa delivery ng National ID cards matapos niyang i-post sa Twitter na natanggap na niya ang kanyang card nitong Biyernes, Enero 28.


Halos isang taon ang nakalipas bago nakuha ni Lacson ang kanyang PhilSys card matapos siyang mag-register dito noong Peb. 4, 2021. Aniya, marami ang nagtatanong, kabilang na ang OFWs, kung saan at paano mag-apply para makakuha ng ID cards.


"As the implementing agency of the PhilSys Act, the PSA should address these issues as soon as possible. It should expedite the printing and delivery of the National ID cards. It must also renew and intensify its information drive on how Filipinos can apply for them," ani Lacson.


Bagamat hindi tama ang nakalagay na birthdate sa card niya, umaasa pa rin si Lacson na ang pagkakaroon ng National ID ang magbibigay daan sa mas pinadaling access sa social services at proteksyon mula sa krimen at korapsyon.


"Finally I got my National ID card yesterday. Being an author and the principal sponsor of the Philsys Act, I hope it will help immensely improve social services, our government’s fight against crime and corruption and most importantly, public service in general," sabi ni Lacson sa kanyang Twitter post nitong Sabado.


Sa kanyang pag-sponsor ng National ID sa Senado, binigyang diin ni Lacson ang kahalagahan ng pagkakaroon nito kabilang na ang pagkakaroon ng access sa mga serbisyo mula sa pampubliko at pribadong sektor nang hindi na kinakailangan na magdala ng maraming ID cards. Maliban pa rito, ang pagkakaroon aniya ng National ID ay isang instrumento para malabanan ang krimen at korapsyon at pagkakaroon ng mas maayos na pagkolekta sa buwis.


Sa kabila nito, nangako si Lacson na makikipag-ugnayan sya sa PSA hinggil sa pagkaka-antala ng delivery ng National ID cards.


"I applied last February 4, 2021. Last time I checked with PSA, they told me that they’re prioritizing 4P’s beneficiaries and similarly situated segments of our population. I stopped following up. Now that I received mine, I will ask again for the others like you," sagot ni Lacson sa isang Twitter user.


*****

Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya