Ogie Diaz bilib kay Ping Lacson

 Ogie Diaz bilib kay Ping Lacson

Kahit komedyante si si Ogie Diaz, seryoso siya pagdating sa usapin ng kalagayan ng bansa. Kamakailan nga, may nabanggit siya sa isa niyang vlog tungkol sa katangian na “gusto” niya kay Senador Ping Lacson, na tatakbong pangulo sa 2022.

Bukod sa pagiging talent manager at komedyante, umaariba rin ngayong pandemic si Ogie bilang vlogger o content creator. Meron siyang mga YouTube channel, na ang isa ay for interview ng mga personalidad, at ang isa ay showbiz roundup naman.

Winner sa dami ng mga subscriber ang dalawang channel ni Ogie. Ang kanyang mga social media account tulad ng Twitter, Facebook ay tinututukan din dahil sa pagiging vocal ni Ogie sa paghahayag ng kanyang political views.

    Pero sa isang vlog niya tungkol sa showbiz, natalakay niya ang pagdepensa ni Iwa Moto sa biyenan nitong si Sen. Ping, katambal si Senate President Tito Sotto.

    Ayon kay Ogie, natural lang na ipagtanggol ni Iwa si Ping dahil biyenan at kilala niya ito. At nang basahin ni Ogie ang sinabi ni Iwa na hindi magnanakaw ang senador, umayon nga si Ogie.

    Sabi ni Ogie sa kasama niya sa vlog: “Totoo ‘to, hindi siya [Ping] magnanakaw. Kasi alam mo bang hindi tumatanggap si Senador Ping ng pork barrel bilang senador…Magkano rin ‘yon, mga P200 million isang taon.”

    Dagdag pa ni Ogie, “Kahit naman ako, gusto ko rin yung integridad ni Senator Ping. Kaya nga naloloka ako kung bakit ‘di niya tinatanggap yung pork barrel.”

    Ang pork barrel o priority assistance development fund ay pondo para sa mga kongresista at senador. Pero sapul nang maging mambabatas, hindi tinanggap ni Ping ang kaniyang pork barrel funds dahil pinag-uugatan ito ng katiwalian.

*********



Comments

Popular posts from this blog

Lacson, Sotto to Maintain Focus on Voter Enlightenment in Last Month of Campaign

Ping, Umaasa sa Muling Pagkakaisa, Kapayapaan ng Sambayanan sa Pagtatapos ng Kampanya